Month: March 2016

Tapos Na

Naligo na naman ako sa sarili kong luha

Oo sadista ako pero hindi masokista

Sinayang mo ang pagkabaliw ko sayo

Ilang beses pa ba madudurog itong puso ko?

Ngiting ngiti sa harap ng mga kabarkada

Ngawit na bibig nakapagpahinga habang nakahiga sa kama

Ilang tula pa ba ang dapat isulat para makalimot?

Paano mo nagawa? Wag mo ipagdamot

Sa istorya ko ako ang biktima

At ang sayo, ikaw yung kawawa

Nangyari na, natapos na

Baka nga hindi tayo para sa isa’t isa

Isang araw makikita nalang kita…

May kasama nang iba