Month: April 2017

Hindi na Sayo

Saan ako magsisimula?

Kung wala naman tayong inumpisahan…

Ginawa ko ng tubig yung kape

Oo alam ko, wala kang pake!

Wala ka din namang pake nung nalunod ako,

Sa mga salita na binitawan mo

Gaya ng “Nandito lang ako para sayo”

O yung paborito mong “Time will tell how much I love you.” g*g*!

Aminado ako at di ko pagkakaila

Na may mga panahon na pinasaya mo ako, Sinta…

Noong araw ng mga puso,

Unang beses mong pinaramdam na mahalaga ako

Mga rosas na kasing bango ng pag asa ko sayo

At mga tsokolateng kasing tamis ng mga kasinungalingan mo

Di din pala magpapahuli ang sulat kamay na binigay mo…

Ang mga nakasulat ba doon ay talagang galing sa puso?

Lalo nung unang gabi na magkasama tayo

Umamin ka na gusto mo ako

Higit pa sa kaibigan…

At alam ko eto ang laro na palagi kong gusto salihan

Kahit mga mata mo’y hindi lang nakatingin sakin,

Pero pinag pasensyahan kita at yan ang malaki kong “bakit?”

Kahit magkasama tayo ngunit ang puso mo’y iba ang hinahanap,

Pero para sakin alam kong darating ang araw na ako’y magiging iyong pangarap

Kahit nung mga panahon na pinakita mo na sakin kung sino ka talaga,

Pero tinanggap kita, hindi parin ba sapat yun? Puny*ta!

Kahit merong kumakalat na balita na meron ka nang iba,

Pero pinagtanggol kita, dahil sayo’y may natitira pang tiwala

Kahit may nakita pa akong litrato ninyo ng bago mong trip na babae,

Pero eto ako umaasang magbibigay ka ng dahilan para di ako umuwing luhaan

Kahit wala kang pake na pinagmukha mo akong tanga,

Pero wala eh, hindi mo pala talaga ako mahal… sana napansin ko agad

Kahit ilang beses mong binasag ang puso ko,

Pero eto parin ako aayusin ito at ibibigay ng buo

Kahit pinaiyak mo ako ng maraming gabi pati araw,

Pero eto ako umaasa na makakalimutan ka balang araw

Kahit isa ka na naman sa mga lalaki na napadaan lang,

Pero eto ako hindi titigil magmahal

PERO HINDI NA SAYO…

Advertisements