#filipinopoem

INGGIT

Mga tao ba kayo?

O kampon ng demonyo?

Wala naman ginagawang masama sainyo

Di naman namin inagaw mga syota niyong mukhang aso

Ayaw niyo sa amin

Pero pag may kailangan, sa amin kapit

Ano ba talaga?!

Ang sarap niyong tiradorin isa isa!

Kung ano ano sinasabe niyo tungkol sa amin

Bakit di niyo nalang kami diretsuhin?

Ganito na ba talaga mga tao sa mundo?

Panginoon, kunin mo nalang ako!

Sainyo ko nalang papaubaya

Mga taong madaling mainggit sa kapwa

OMYGEE IT’S A “TULA”!!!

Pamagat: Alaala

Una sa lahat

Gusto kong magpasalamat

Kahit papaano

MInahal mo ako ng tapat

Naalala ko pa nga

Halos maubos ang salapi mo sa bulsa

Kakatawag buong magdamag

Naalala mo ba ng lumabas tayong dalawa?

Saya diba?

Sabi mo pa nga Palagi mo akong maalala

Sa lugar na ating pinuntahan

Naalala mo ba nung naglakad tayo sa ulan?

Para tayong mga bata sa langsangan

Walang pakialam

Basta magkasama tayong dal’wa

Naalala mo ba yung nag’cool off tayong dalawa?

Ang sakit! Puot ang naghasik, puro galit

Naalala mo ba nung tuluyan tayong naghiwalay?

Lahat ginawa mo mabawi lang ako

Sa totoo lang

Ang hirap tapusin ng huling taludtod

Dito kasi ako nasaktan ng lubos

Paalam na at baka manumbalik pa

Ang pagmamahal na kahit minsan

Hindi ko nagawa…