#tula

WALA NA

Gasgas na gasgas na naman yung mga alala na naiwan mo

Wag mo na sapian lahat ng lalaking nakikilala ko

Ako’y naghintay sa wala, dumating ka pero huli na

Bitawan mo na ako, para mabitawan na din kita

Ang storya natin ay nag wakas na

Tanggapin na natin na wala na talaga

Hindi mo din naman talaga alam kung sino ang mahal mo

Kaya baket pa ako dapat magtyaga sayo?

Hindi mo naman ako kayang paglaban sa sarili mong kaduwagan

Kaya sa buhay ko, ika’y wala ng kahulugan

Tapos Na

Naligo na naman ako sa sarili kong luha

Oo sadista ako pero hindi masokista

Sinayang mo ang pagkabaliw ko sayo

Ilang beses pa ba madudurog itong puso ko?

Ngiting ngiti sa harap ng mga kabarkada

Ngawit na bibig nakapagpahinga habang nakahiga sa kama

Ilang tula pa ba ang dapat isulat para makalimot?

Paano mo nagawa? Wag mo ipagdamot

Sa istorya ko ako ang biktima

At ang sayo, ikaw yung kawawa

Nangyari na, natapos na

Baka nga hindi tayo para sa isa’t isa

Isang araw makikita nalang kita…

May kasama nang iba

INGGIT

Mga tao ba kayo?

O kampon ng demonyo?

Wala naman ginagawang masama sainyo

Di naman namin inagaw mga syota niyong mukhang aso

Ayaw niyo sa amin

Pero pag may kailangan, sa amin kapit

Ano ba talaga?!

Ang sarap niyong tiradorin isa isa!

Kung ano ano sinasabe niyo tungkol sa amin

Bakit di niyo nalang kami diretsuhin?

Ganito na ba talaga mga tao sa mundo?

Panginoon, kunin mo nalang ako!

Sainyo ko nalang papaubaya

Mga taong madaling mainggit sa kapwa