Tapos Na

Naligo na naman ako sa sarili kong luha

Oo sadista ako pero hindi masokista

Sinayang mo ang pagkabaliw ko sayo

Ilang beses pa ba madudurog itong puso ko?

Ngiting ngiti sa harap ng mga kabarkada

Ngawit na bibig nakapagpahinga habang nakahiga sa kama

Ilang tula pa ba ang dapat isulat para makalimot?

Paano mo nagawa? Wag mo ipagdamot

Sa istorya ko ako ang biktima

At ang sayo, ikaw yung kawawa

Nangyari na, natapos na

Baka nga hindi tayo para sa isa’t isa

Isang araw makikita nalang kita…

May kasama nang iba

13 Comments

  1. Tagos meyn. Tagos.

    Liked by 1 person

  2. RheaAngeline says:

    Wala bang “awwwww” button insteas of like? Pang #SentiSabado ang peg nito ah.

    Liked by 2 people

    1. Tama tama! Yung cry button din HAHA

      Liked by 2 people

    1. haha hehe hihi hoho HUHU

      Liked by 1 person

  3. Maria Michaela Jamora says:

    Ang galing! Nagtataka ako kung saan (o baka pwede sabihing sino) ka kumukuha ng inspiration sa hugot lines mo Madam! hahah

    Liked by 1 person

    1. Sa kung saan-saan at sa kung kani-kanino lang ako kumukuha ng inspirasyon ☺

      Liked by 1 person

      1. Maria Michaela Jamora says:

        Wow!!! Grabi naman maka absorb ng inspiration to! hehehe

        Liked by 1 person

  4. Reblogged this on P.S.A. and commented:
    The End.

    Liked by 1 person

    1. Salamat sa reblog PSA ☺

      Like

  5. 25pesocupnoodles says:

    #lalim

    Liked by 1 person

Leave a Comment